|
||||||||
|
||
Mahigpit na kinondena at buong tatag na tinutulan ng Tsina ang pagpapatibay ng senado ng Amerika ng Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019. Ang aksyong ito ng Amerika ay panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Nakaranas ang Hong Kong ng karahansan nitong ilang buwang nakalipas. Pinagsasawalang-bahala ng ilang opisyal na Amerikano ang kahilingan at mithiin ng mga taga-Hong Kong, ang aksyon nila ay tiyak na nagdulot ng pagkondena mula sa lahat ng mamamayang Tsino na kinabibilangan ng 7.5 milyong taga-Hong Kong.
Buong tatag ang kapasiyahan ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa soberanya,kaligtasan, at pag-unlad ng bansa; sa pagsasakatuparan ng Isang bansa, Dalawang Sistema; at sa pagtutol sa pakikialam ng anumang puwersang panlabas sa mga suliranin ng Hong Kong.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |