Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pakikialam ng Amerika sa suliranin ng Hong Kong, lalabanan ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-11-25 10:30:06       CRI
Pinagtibay kamakailan ng Kongreso ng Amerika ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act. Hiniling ng akto sa pamahalaang Amerikano na isagawa ang taunang pagtasa sa kalagayan ng awtonomiya, demokrasya, at karapatang pantao ng Hong Kong. Ayon pa rin sa akto, ang resulta ng pagtasa ay magiging pamantayan para ipasiya ng panig Amerikano kung bibigyan ng preperensyal na pakikitungo sa aspekto ng kabuhayan at kalakalan ang Hong Kong, at kung papatawan ng sangsyon ang mga opisyal o entidad ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong.

Ang naturang aksyon ay tipikal na "long-arm jurisdiction." Sa pamamagitan ng lokal na batas, nakikialam ang panig Amerikano sa suliranin ng Hong Kong na kabilang sa suliraning panloob ng Tsina. Labag ito sa tuntunin ng United Nations na hindi dapat isagawa ng anumang bansa ang tuwiran o di-tuwirang pakikialam sa suliraning panloob at diplomasiya ng ibang bansa, at hindi dapat gamitin ang mga hakbanging pulitikal, militar, ekonomiko, at iba pa, bilang banta sa ibang bansa.

Ang suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina. Batay sa pandaigdig na batas at saligang norma ng relasyong pandaigdig, hindi dapat makialam dito ang anumang bansa, organisasyon, o indibiduwal. Ang naturang aksyon ng panig Amerikano ay tiyak na lalabanan ng panig Tsino.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>