Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hindi nakakaramdam ng mabuting intensyon mula sa Amerika — Tsina

(GMT+08:00) 2019-12-14 10:38:06       CRI

Ipinahayag kamakailan ni David Stilwell, Asistanteng Kalihim ng Kagawaran ng Estado ng Amerika sa Suliraning Asya-Pasipiko, na nagkaloob ang kanyang bansa ng napakalaking tulong para sa pag-unlad ng Tsina nitong mga taong nakalipas. Aniya, ikinalulungkot ng Amerika ang pagsukli ng panig Tsino sa mabuting intensyon nito sa pamamagitan ng agresibo at masamang intensyon.

Bilang tugon, ipinahayag nitong Biyernes, Disyembre 13, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi angkop sa katotohanan ang nasabing pananalita. Aniya, maraming beses na nagsasalita si Stilwell ng mabuting intensyon ng panig Amerikano, ngunit hindi nakakaramdam ang Tsina ng anumang mabuting intensyon mula sa mga ginawang pananalita at kilos ng panig Amerikano.

Ipinagdiinan ni Hua na sa mga maling pananalita at aksyong nakakapinsala sa soberanya, seguridad, at kapakanang pangkaunlaran ng bansa, magbibigay ng walang duda, ang Tsina ng matinding reaksyon. Ani Hua, ang natamong napakalaking tagumpay ng Tsina ay bunga ng kasipagan at katalinuhan ng mga mamamayang Tsino, sa halip ng limos ng iba. Nagiging mutuwal na kapakinabangan ang kooperasyong Sino-Amerikano, at nakikinabang dito ng malaki ang panig Amerikano, aniya pa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>