Sa ika-18 ng Disyembre 2019, pupunta sa Macao si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para dumalo sa selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inangbayan at inagurasyon ng ika-5 pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR).
Matatandaang dumalaw si Xi sa Macao noong Enero ng 2009. Noong panahong iyon, siya ay Pangalawang Pangulo ng Tsina at namamahala sa mga suliranin ng Hong Kong at Macao.
Noong 2009, apektado rin ang Macao ng pandaigdig na krisis na pinansyal. Layon ng pagdalaw ni Xi na pasiglahin ang mga mamamayang lokal para magkakasamang harapin ang krisis na ito. Noong taon ding iyon, inilabas ng sentral na pamahalaan ang 9 na hakbangin bilang pagsuporta sa Macao. Kabilang dito, itinatag ang Zhuhai-Macao Industrial Area, para sa pagpapaunlad ng industriya ng Macao, at sinimulan ang pagdedebelop ng Hengqin Island na malapit sa Macao, upang bigyan ng bagong espasyo ang pag-unlad ng Macao. Sa pamamagitan ng mga ito, pinagtagumpayan ng Macao ang mga epektong dulot ng pandaigdig na krisis na pinansyal, at pinananatili ang pag-unlad ng lipunan at kabuhayan.
Salin: Liu Kai