Kinapanayam kamakailan si Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), ng TGcom24, isang Television Channel ng Italya na nag-eespesyalita sa mga balita.
Sinagot ni Shen ang mga tanong na iniharap ni Luca Rigoni, kilalang-kilalang host ng TGcom24, hinggil sa mga bagong tungkulin ng media, papel ng CMG para ilahad ang Tsina sa mga mamamayan sa loob at labas ng bansa, kalagayan ng kabuhayang Tsino, isyung pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at Amerika, paghabi ng kasinungalingan ng Amerika kaugnay ng pagdedebelop ng teknolohiya ng 5G ng mga kompanyang Tsino, relasyon at kooperasyong Sino-Italyano, relasyong Sino-Europeo, at isyu ng Hong Kong.
Isinahimpapawid Disyembre 16 sa TGcom24 ang programa hinggil sa panayam na ito.
Salin: Liu Kai