Sa panayam kamakailan sa TGcom24, isang Television Channel ng Italya na nag-eespesyalita sa mga balita, sinabi Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), may pagkiling ang ilang kanluraning media sa pagkober sa kasalukuyang mga pangyayari sa Hong Kong.
Sinabi ni Shen, na inilabas lamang ng ilang kanluraning media ang mga larawan at video hinggil sa pagpapatupad ng batas ng mga pulis ng Hong Kong, at hindi inilabas ang mga ito hinggil sa pag-atake ng mga radikal sa mga pulis at karaniwang mamamayan. Ito aniya ay walang dudang pagkiling.
Dagdag ni Shen, ginagamit ng ilang politikong Amerikano ang isyu ng Hong Kong para hadlangan ang pag-unlad ng Tsina. Ito aniya ay nagpapakita ng kanilang ideya ng "cold war," at dapat pag-ingatan ang ganitong ideya.
Salin: Liu Kai