Disyembre 20, 2019, sasalubungin ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR) ang ika-20 anibersaryo ng pagkabalik nito sa inang bayan. Sa bisperas ng nasabing okasyon, magkakahiwalay na tinanggap ng ilang bata at retiradong matatanda sa Macao ang liham ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Nitong nakalipas na 10 taon, dalawang beses na naglakbay-suri sa Macao si Pangulong Xi. Lagi niyang inaala-ala ang kalagayan ng mga mamamayan, at sustenableng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan doon.
Sa kanyang liham sa matatanda, sinabi ni Xi na sumaksi sila sa mga napakalaking pagbabago ng Tsina, at nakaranas ng matagumpay na praktika ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa Macao. Umaasa aniya siyang patuloy na mapapatingkad ng matatanda ang kani-kanilang papel, mapapalaganap ang diwa ng pagmamahal sa Macao at inang bayan, at aktibong makikisangkot sa konstruksyon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.
Salin: Vera