Kasama ni Chui Sai On, Punong Ehekutibo ng Espeysal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR), bumisita ngayong araw, Huwebes, ika-19 ng Disyembre 2019, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa China-Portuguese-speaking Countries (PSCs) Commercial and Trade Service Platform Complex sa Macao.
Bagong naitayo ang arkitekturang ito. Ito ay magiging permanenteng lugar na pagdarausan ng Porum sa Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at mga Bansang Nagsasalita ng Portuges, at maglilingkod sa kooperasyon ng Tsina at mga bansang ito.
Si Xi ay nasa Macao para dumalo sa mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng rehiyong ito sa inangbayan.
Salin: Liu Kai