Miyerkules ng hapon, Disyembre 18, 2019, dumating ng Epsesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR) si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, para dumalo sa serye ng aktibidad ng pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inangbayan.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, ipinahayag ni Xi na nitong 20 taong nakalipas sapul nang bumalik ang Macao sa inangbayan, ipinagmamalaki ng mga mamamayan at pamahalaang sentral ang mga natamo nitong tagumpay. Sa ngalan ng pamahalaang sentral at mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad ng bansa, ipinaabot niya ang maringal at magandang pagbati sa mga kababayan ng MacaoSAR.
Salin: Li Feng