Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nagpahayag ng kawalang-kasiyahan sa paglagda ng Amerika sa National Defense Authorization Act for Fiscal Year 2020

(GMT+08:00) 2019-12-24 11:32:48       CRI

Isinabatas kamakailan ng panig Amerikano ang National Defense Authorization Act for Fiscal Year 2020 na kinabibilangan ng mga negatibong nilalaman na taliwas sa hangarin ng pag-unlad ng puwersang militar ng Tsina, at mga nilalamang may kinalaman sa Taiwan, Hong Kong, Xinjiang, at ban sa pagbili ng kaukulang produktong Tsino. Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Disyembre 23, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mariing kawalang-kasiyahan ng panig Tsino dito. Aniya, iniharap na ng bansa ang solemnang representasyon sa panig Amerikano.

Saad ni Geng, hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na alisin ang kaisipan ng cold war at pagkiling, obdyektibo't makatarungang pakitunguhan ang pag-unlad ng Tsina at relasyong Sino-Amerikano, at huwag ilabas ang mga negatibong artikulong may kinalaman sa Tsina, para maiwasang masira ang relasyong Sino-Amerikano at kooperasyon ng dalawang bansa sa mga mahalagang larangan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>