Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, tutol sa pakikialam ng Amerika sa suliraning panloob nito

(GMT+08:00) 2019-12-22 15:15:14       CRI

Ipinahayag kahapon, Sabado, ika-21 ng Disyembre 2019, sa Beijing, ni You Wenze, Tagapagsalita ng Komite sa Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ang kawalang-kasiyahan at pagtutol sa paglakip ng panig Amerikano sa mga usaping may-kaugnayan sa Taiwan, Hong Kong, at Xinjiang, sa National Defense Authorization Act na nilagdaan noong Biyernes ni Pangulong Donald Trump.

Ipinakikita ani You ng naturang aksyon ang pagwawalang-bahala ng panig Amerikano sa katotohanan, at pagkakaroon ng pagkiling sa Tsina. Ito rin aniya ay pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, at nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano.

Dagdag ng tagapagsalita, dapat itakwil ng panig Amerikano ang ideya ng "Cold War" at hegemonismo. Hinihimok din aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano, na agarang isagawa ang mga mabisang hakbangin para pawiin ang negatibong epektong dulot ng naturang pangyayari, at pangalagaan ang pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>