|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Disyembre 28, 2019, inilabas ng China Media Group (CMG) ang top 10 balitang Tsino sa taong 2019. Ang nasabing 10 balita ay sumusunod:
1. Paradang militar at parada ng mga mamamayan, maringal na idinaos sa Tian'anmen Square bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina; Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bumigkas ng mahalagang talumpati
2. Blueprint sa pagpapataas ng pangangasiwa, inilunsad ng Ika-4 na Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC)
3. Mga miyembro ng CPC, hinimok na isa-isip ang orihinal na aspirasyon at misyon ng partido
4. Kabuhayang Tsino, matatag na lumago; kapansin-pansing bunga, natamo ng de-kalidad na pag-unlad
5. Apat na home diplomacy na kinabibilangan ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), International Horticultural Exhibition 2019 Beijing, Unang Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC), at Ika-2 China International Import Expo (CIIE), itinaguyod ng Tsina
6. Macao, ipinagdiwang ang Ika-20 Anibersaryo ng Pagbalik sa Inang Bayan
7. Beijing Daxing International Airport, pormal na naisaoperasyon
8. Babaeng koponan ng volleyball ng Tsina, nakuha ang kampeonato sa 2019 FIVB World Cup
9. Chang'e-4 probe, ipinadala sa daigdig ang unang litrato ng malayong gilid ng buwan
10. Commercialization ng 5G network, sinimulan na sa Tsina
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |