|
||||||||
|
||
Nitong Sabado, Disyembre 28, 2019, inilabas ng China Media Group (CMG) ang top 10 balitang pandaigdig sa taong 2019. Ang nasabing 10 balita ay sumusunod:
1. Pangulong Xi Jinping ng Tsina, 7 beses na bumiyahe sa ibayong dagat, at dumalo sa 4 na aktibidad ng home diplomacy
2. Paglago ng kabuhayang pandaigdig, bumagal; kabuhayang Tsino, nangunguna sa contribution rate, dahil sa matatag at malusog na paglago
3. Amerika at Rusya, tumalikod sa Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty (INF Treaty); pandaigdigang sistema ng arms control, hinahamon
4. Proseso ng Brexit, pabagu-bago; integrasyon ng Europa, nahaharap sa napakalaking hamon
5. Tropang Pampamahalaan ng Syria, kontrolado ang 85% teritoryo ng bansa; bagong kalagayan, lumitaw sa geopolitics ng Gitnang Silangan
6. Unang litrato ng black hole, natamo ng sangkatauhan
7. 157 katao, nasawi sa pagkabagsak ng eroplano ng Ethiopian Airlines; Boeing 737 MAX aircraft, ipinagbawal na lumipad sa buong mundo
8. Proporsyon ng green house gas, naging pinakamataas sa kasaysayan
9. Sona ng malayang kalakalan ng kontinenteng Aprikano, itinatag
10. Notre Dame Cathedral ng Pransya, grabeng nasira sa sunog
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |