Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bating pambagong taon ng Presidente ng CMG para sa mga dayuhang tagasubaybay

(GMT+08:00) 2020-01-01 16:18:52       CRI

Miyerkules, Enero 1, 2020, sa pamamagitan ng radyo at website, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) ang bating pambagong taon para sa mga tagasubaybay sa iba't ibang sulok ng mundo. Narito po ang buong teksto ng kanyang pagbati.


Mga giliw na kaibigan,

Ang 2020 ay isang masuwerte't magandang numero. Ang bigkas ng numerong ito sa wikang Tsino ay katunog ng "minamahal kayo." Sa simula ng taong 2020, sa ngalan ng China Media Group, ipinapaabot ko po sa inyo ang bating pambagong taon.

Ang kasaysayan ng sangkatauhan ay binubuo ng iba't ibang makukulay na sandali. Naging di-mabuburang alaala na ang maraming sandali ng 2019. Noong Oktubre 1, maringal naming ipinagdiwang ang ika-70 kaarawan ng Republika ng Bayan ng Tsina. Sa pamamagitan ng mga multi-lengguwaheng produksyon ng CMG na gaya ng dokumentaryong "Historic Journey," pelikulang ginawa sa 4K UHD na pinamagatang "When China Wows the World: The 2019 Grand Military Parade" at iba pa, nalugod ang mga tagasubaybay sa isang piyestang biswal at pandinig, at nalaman nila ang kahanga-hangang karanasan ng bagong Tsina nitong nakalipas na 70 taon. Tumanggap din ako ng matatapat na pagbati ng maraming kaibigan. Sa kanyang email, sinabi ni Ginoong Francesco Maringio, dalubhasang Italyano sa isyu ng Tsina, na "hinahangaan ko po ang mga maluningning na tagumpay ng Tsina nitong nakalipas na 70 taon sapul nang itatag ang bagong Tsina. Sa tingin ko, may lubos na katuwiran para magmalaki ang mga mamamayang Tsino dahil dito."

Noong isang taon, masipag naming ikinober ang bawat magandang saglit sa landas ng pag-unlad ng Tsina, at idinispley sa buong mundo ang tunay, tatlong-dimensyonal, at komprehensibong imahe ng Tsina sa bagong panahon. Sa pamamagitan ng mga modernong teknolohiya na gaya ng 5G+4k / 8K+AI, matagumpay naming ikinober ang mahahalagang aktibidad na gaya ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC), at pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inang bayan. Ang mga multi-lengguwaheng feature film na kinabibilangan ng "Classics Quoted by Xi" at "Every Treasure Tells a Story" ay nakapaglatag ng plataporma para sa malalimang pag-uunawaan ng mga kaibigang Tsino't dayuhan sa kasaysayan, kultura, at kaisipan sa kahalagahan ng Tsina. Sa pamamagitan ng mga multi-media interactivity sa mga tagasubaybay sa buong mundo at multilengguwaheng Internet celebrity anchor, naging tagahanga ng Tsina ang mas maraming kaibigan.

Bagama't dalawang taon lang ang nakalipas sapul nang maitatag ang CMG, lubos nating alam na sa kasalukuyang panahon ng internet, walang ibang pagpipilian kundi pagsulong o pagresesyon. Matatag nating naaalaala ang kahilingan ni Pangulong Xi Jinping na "igiit ang inobasyon, at maayos na itatag at mabuting samantalahin ang bagong media at plataporma." Sa taong ito, pinasimulan natin ang pagtatayo ng kauna-unahang pambansang mahalagang laboratoryo ng ultra-high definition video and audio; buong sikap na itinatag ang 5G-based new media platform batay sa bagong teknolohiyang "5G+4K/8K+AI"; at komprehensibong pinasimulan ang pagpapataas ng kalidad ng mga programa, bagay na nagiging dahilan sa paglabas ng mahigit 200 mabubuting kolum at programa para sa mga tagasubaybay at manonood.

Ang komprehensibo, obdiyektibo, at pantay na pagbabalita sa maiinit na isyu sa buong mundo ay palagiang prinsipyo ng CMG. Bilang pinakamalaking international communication group sa kasalukuyang daigdig, iginigiit ng CMG ang atityud ng pagbubukas at pagtutulungan, at pantay na nakikipagpalitan sa mga kasamahan sa loob at labas ng bansa. Sa taong kasalukuyan, magkakasunod kaming nakipagpalitan at nakipagtalakayan sa mga namamahalang tauhan ng mahigit 150 dayuhang media tulad ng Associated Press (AP), Reuters, Agence France-Presse, at BBC kung saan nagkaroon ng parami nang paraming pagkakasundo. Walang humpay rin naming pinapalawak ang "Sirkulo ng Pagkakaibigan."

Ngunit malungkot nating nakikita na, sa di-malamang dahilan, ilang may-impluwensiyang media ng kanluran ay "selektibong nagpipikit ng mata" sa ilang mahahalagang pagbabalita tungkol sa Tsina. Lalung-lalo na, itinuturing nila ang mga tsismis at pekeng impormasyon bilang totoong balita at ipinalabas ang mga ito, bagay na nagpasimula ng mga huwad na balita. Ipinalalagay ng CMG na ang katotohanan ay pinakamahalaga sa pamamahayag. Ang pagbabalita batay sa sariling imahinasyon ay grabeng nakakapinsala sa kredibilidad ng kahit anong media.

Sinabi ni William Hazlitt, kilalang manunulat at pilosopong Britaniko noong ika-18 siglo, na ang pagkiling ay anak ng kamangmangan. Sa harap ng kasalukuyang masalimuot at pabagu-bagong kalagayang pandaigdig, mas mahalaga ang paghahanap ng katotohanan at pag-aalis ng pagkiling. Batay sa obdiyektibo at makatarungang posisyon, patuloy na ikakalat ng China Media Group sa komunidad ng daigdig ang katotohanan ng mga pangyayari at tinig ng katarungan.

Sinabi naman ni Zhang Jiuling, makatang Tsino na nabuhay sa Dinastiyang Tang, mga 1300 taon ang nakararaan, "naaalis ng pagkakaibigan ang distansiyang kahit libu-libong milya ang layo." Ang magkakasamang pamumuhay sa planetang mundo ay isang napakagandang bagay. Noong bumisita ako sa Brazil at Argentina, ikinalulugod kong makita ang mga bulaklak ng jacaranda at bougainvillea at marinig ang himig ng catbird na mayroon din sa Guangdong ng Tsina, kung saan ako nagtrabaho minsan. Sa Italya at Espanya naman, natikman ko, kasama ng mga kaibigan sa lokal na media, ang mga pagkaing halos pareho sa glutinous rice wine at sliced ham ng Zhejiang ng Tsina, aking lupang-tinubuan. Sa pamamagitan ng sariling mga karanasan, nararamdaman ko kung ano ang kahulugan ng "pandaigdigang nayon" o global village. Sa nayong ito, hindi natin dapat itakwil ang pagpapalagayan, pagpapalitan, at pagsasamahan. Pinaninindigan kong sa pamamagitan ng pagpapalitan ng media, mapapawi ang pagkakalayo at pagkiling, at maaaring maging magkakaibigan ang mga taong di-pamilyar sa isa't isa o may magkakaibang posisyon.

Ang 2020 ay taon para isakatuparan ng Tsina ang pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas. Sa taong ito, ang Tsina rin ay magiging bansang may 1.4 bilyong mamamayan, pero walang lubos na mahirap na populasyon. Batay sa pinakamataas na pamantayan at sa pamamagitan ng pinakamalaking pagsisikap, itatala at ipababatid ng China Media Group sa inyong mga kaibigan ang mga pangyayari sa Tsina at daigdig. Ihahatid din natin ang mas maraming sigla para sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

Sana'y punan ng pag-ibig ang mundo sa 2020.

Hayaan po ninyong ihatid ko ang pinakamabuting hangarin para sa Tsina at mula sa Tsina; pinakamabuting hangarin para sa daigdig, at pinakamabuting hangarin para sa inyo.

Salin: Wei La/Li Feng/Liu Kai
Pulido: Rhio
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>