Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dayuhang media nakapokus sa 2020 Spring Festival Gala ng CMG

(GMT+08:00) 2020-01-20 11:25:46       CRI

Maringal na lalabas sa bisperas ng Bagong Taong Tsino, Enero 24, 2020 ang "2020 Spring Festival Gala" na gawa ng China Media Group (CMG). Dahil sa magagaling programa at paggamit ng mataas at panibagong teknolohiya, ito'y pinag-uukulan ng mataas na pansin ng mga media sa buong mundo. Ayon sa di-ganap na estadistika, pinaplanong isagawa ng mahigit 460 media mula sa mahigit 170 bansa't rehiyon ang pagbabalita tungkol sa nasabing gala.

Kabilang dito, halos 280 media ng mga bansang gaya ng Amerika, Britanya, Hapon, Brazil, Singapore, Malaysia, Thailand, at Laos, ang magsasagawa ng bahagi o buong pagre-relay ng 2020 Spring Festival Gala. Isasahimpapawid din ng mga sinehan at istasyon ng telebisyon ng mga bansang kinabibilangan ng Italya, Australia, Ehipto, at India, ang Spring Festival Gala sa bersyong pelikula na ginawa ng CMG. Bukod dito, idaraos sa Saint Petersburg, Rusya sa Enero 24 ang aktibidad ng "Panonood ng Libong Tao sa Spring Festival Gala ng CMG" para isalaysay sa mga manonood ang tradisyonal na kaugalian tungkol sa Chinese New Year.

Ang Spring Festival Gala ay isang indispensableng piyestang kultural sa okasyon ng pagsasama-sama ng pamilya ng lahat ng Tsino sa buong daigdig. Ang galang ito na gawa ng CMG, at taunang ginaganap nitong mahigit 30 taong nakalipas sapul noong 1983. Ito rin ay kinikilala ng Guinness World Records bilang TV program na may pinakamaraming manonood sa daigdig.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>