Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

News briefing kaugnay ng 2020 Spring Festival Gala ng CMG, ginanap

(GMT+08:00) 2020-01-20 18:31:34       CRI

Sa isang news briefing Lunes, Enero 20, 2020, isinalaysay ng kaukulang namamahalang tauhan ng 2020 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG) ang mga tampok na programa at inobatibong aplikasyon ng maraming teknolohiya sa gaganaping gala ng taon ng daga.

Aniya, patuloy na ipapakita ng 2020 Spring Festival Gala ang simulain ng pagiging people-oriented, pangkaugalian, pangkapistahan, moderno at internasyonal. Isasakatuparan nito ang komprehensibong inobasyon at breakthrough sa mga aspektong kinabibilangan ng pag-arte sa entablado, interaksyon, paggamit ng modernong teknolohiya, pinag-isang pagsasahimpapawid at iba pa.

Tulad ng dati, bukod sa main venue sa Beijing, itatayo ng gaganaping gala ang mga sub venue sa Zhengzhou ng Lalawigang Henan at Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.

Gagamitin ng CMG ang teknolohiya ng 5G+8k para maisakatuparan ang multi-camera shooting. Ipoprodyus din nito ang 8K version ng gala. Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, gagamitin sa gala ang isang Virtual Network Interactive System (VNIS), bagay na lilikha ng bagong karanasan para sa mga manonood.

Ayon sa salaysay, isasahimpapawid ng mahigit 500 media mula sa mahigit 170 bansa na gaya ng Amerika, Britanya, Hapon, Rusya, Brazil, Singapore, United Arab Emirates (UAE), Thailand at Laos, at mga sinehan ng mahigit 20 bansa't rehiyon ang Spring Festival Gala ng CMG at bersyong pelikula ng naturang gala.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>