Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Globalisasyong pangkabuhayan, galaw ng panahon

(GMT+08:00) 2020-01-22 16:32:52       CRI

Nitong Martes, Enero 21, 2020, ginanap sa Davos, Switzerland, ang taunang pulong ng World Economic Forum (WEF). Naging pokus ng naturang pulong ang paksang "Saan dadako ang globalisasyon." Tulad ng diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati noong nagdaang 3 taon, imposible at di-angkop sa galaw ng kasaysayan ang sinasadyang pagputol sa agos ng kapital, teknolohiya, produkto, industriya at tauhan ng kabuhayan ng iba't ibang bansa. Nagbigay ito ng patnubay sa tumpak na pag-uunawa at pakikitungo ng daigdig sa globalisasyon.

Ang di-balanseng distribusyon ng benepisyo ng globalisasyong pangkabuhayan ay direktang sanhi ng pagurang ng globalisasyong pangkabuhayan, at ang saligang dahilan nito ay kakulangan ng lakas-panulak ng paglago ng kabuhayang pandaigdig. Nakakaramdam ang mga maunlad na bansa at umuunlad na bansa ng presyur at epekto.

Noong nagdaang 3 taon, iniharap na ni Pangulong Xi ang solusyon: igiit ang innovation-driven development, at likhain ang modelo ng paglago na lipos ng kasiglahan; igiit ang koordinasyon at inter-koneksyon, at buuin ang bukas na modelo ng kooperasyon na may win-win results; umunlad kasabay ng galaw ng panahon, at itatag ang makatarungan at makatwirang modelo ng governance; at hanapin ang balanse, makatarungan at inklusibong modelo ng pag-unlad.

Ang tema ng taunang pulong ng WEF sa kasalukuyang taon ay "Pagbubuklod ng Puwersang Pandaigdig, Pagsasakatuparan ng Sustenableng Pag-unlad." Ang globalisasyong pangkabuhayan ay galaw ng kasaysayan. Kahit may balakid, ang tunguhin ng pag-unlad nito ay hinding hindi hahadlangan ng sinuman.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>