Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, buong tatag na tinututulan ang walang batayang pananalita ni Pompeo

(GMT+08:00) 2020-02-27 15:26:34       CRI

Hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang pagsira sa relasyong Sino-Amerikano.

Ipinahayag ito Pebrero 26, 2020, sa Beijing, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa walang batayang pananalita sa Tsina ni Mike Pompeo, Secretary of State ng Amerika.

Ayon sa ulat, sinabi Pebrero 25, 2020, ni Pompeo na, "pinatalsik" ng Tsina ang mga mamamahayag ng Wall Street Journal, at ang aksyong ito ay nagpapakita na mayroong kamalian sa pamamaraan ng pag-u-ulat ng Tsina sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Sinabi rin niyang kung ipagkakaloob ng Tsina ang kalayaan ng pananalita sa mga mamamahayag, maaaring mas mabuting maharap ng Tsina at ibang bansa ang epidemiya.

Hinggil dito, ipinahayag ni Zhao na sa mula't mula pa'y, bukas at malinis ang pakikitungo ng pamahalaang Tsino sa paglaban sa epidemiya.

Pero, inilabas aniya ng Wall Street Journal ang artikulong may malisyosong insulto sa Tsina, at ito ay hindi isyu ng kalayaan ng impormasyon at pananalita.

Dapat itong tutulan ng sinumang taong mayroong moralidad, mariing ipinahayag ni Zhao.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>