Nag-usap sa telepono Marso 23 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Abdel-Fattah al-Sisi ng Ehipto.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, kumakalat ang epidemiya sa buong mundo. Dapat magkaisa ang iba't ibang bansa ng daigdig para magkakasamang harapin ang hamong ito. Magsisikap ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, para palakasin ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa epidemiya at mapangalagaan ang kaligtasan ng pampublikong kalusugan ng buong mundo. Nakahanda ang Tsina na agarang ibahagi ang impormasyon at karanasan ng paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Ehipto bilang suporta sa paglaban sa epidemiya.
Pinasalamatan ni al-Sisi ang tulong ng Tsina. Nananalig siyang tiyak na magiging mas malalim ang relasyong pangkaibigan ng Tsina at Ehipto pagkaraan ng magkasamang paglaban sa epidemiya ng dalawang bansa.
Salin:Sarah