Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Work resumption rate ng mga dayuhang kompanya sa Tsina, matatag na tumaas

(GMT+08:00) 2020-04-17 14:39:56       CRI

Sinabi nitong Huwebes, Abril 16, 2020 sa Beijing ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ayon sa datos ng kanyang ministri, hanggang noong Abril 14, bumalik na sa trabaho't produksyon ang 72.8% ng mga kompanyang dayuhan sa Tsina, at lumampas na sa 70% ng normal na lebel ang kakayahan sa produksyon ng nasabing mga kompanya.

Ani Gao, ayon sa China Business Climate Survey Report na inilabas kamakailan ng AmCham China, kahit na kinakaharap ng mga kompanyang Amerikano sa Tsina ang ilang problemang gaya ng COVID-19 pandemic, sa pangmalayuang pananaw, ang Tsina ay mananatili pa ring mahalagang pamilihan ng karamihan ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng puhunang Amerikano sa Tsina.

Palagay ni Gao, walang patid na naging optimistiko sa prospek ng Tsina ang mga dayuhang mangangalakal, at hindi nagbabago ang kani-kanilang kompiyansa at determinasyon sa paghahanap ng pangmalayuang pag-unlad sa Tsina.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>