
Bilang tugon sa pagharap kamakailan ng ilang mambabatas ng Kongresong Amerikano ng maraming mosyong may kaugnayan sa COVID-19 pandemic kung saan pinupuna ang Tsina na siyang may kasalanan sa pagkalat ng epidemiya sa Amerika, sa virtual news briefing na idinaos nitong Huwebes, Mayo 21, 2020 ng ika-3 sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o National People's Congress (NPC), sinabi ni Zhang Yesui, tagapagsalita ng sesyong ito, na ang walang batayang pagpuna ng naturang mga mosyon sa Tsina ay malubhang lumalabag sa pandaigdigang batas at norma ng pandaigdigang relasyon. Mariin aniyang tinututulan ng panig Tsino ang mga ito, at isasagawa ang matatag na reaksyon at ganting-hakbangin alinsunod sa kalagayan ng pagsusuri sa mga mosyong ito.
Dinagdag ni Zhang na ang pagtakip ng sariling kamalian at problema sa pagharap sa epidemiya, sa pamamagitan ng pagbabaling ng pananagutan sa iba, ay hindi lamang iresponsable, kundi imoral din. Hinding hindi tatanggapin ng Tsina ang anumang walang batayang pag-atake at pagdungis, aniya pa.
Salin: Lito