Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Amerika at Australya, palalakasin ang kooperasyong militar sa Asya-Pasipiko; Tsina, tutol sa pagsasapulitika ng di-umano'y "banta ng Tsina"

(GMT+08:00) 2020-07-30 16:14:22       CRI

Sinabi nitong Miyerkules, Hulyo 29, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na nitong nakalipas na ilang panahon, ipinagkakalat ng Amerika at Australya na di-umano, ang "Tsina ay isang banta," at walang-tigil nilang sinisiraan ang Tsina sa pamamagitan ng paglalabas ng serye ng mga isyu.

Inihayag niya ang mariing kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutol dito ng panig Tsino.

Magkahiwalay na iniharap ng Tsina ang solemnang representasyon sa naturang dalawang bansa, dagdag ni Wang.

Sa pagtatagpo kamakailan nina Marise Payne, Ministrong Panlabas ng Australya, at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, ipinangako ng kapuwa panig ang pagpapalakas ng kooperasyong militar sa rehiyong Asya-Pasipiko.

Kaugnay nito, sinabi ni Wang na hinihimok ng Tsina ang naturang dalawang bansa na tumpak na pakitunguhan ang Tsina, itigil ang pagsasagawa ng mga pananalita at aksyong nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at makakapinsala sa kapakanan ng panig Tsino, at likhain ang paborableng kondisyon para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano at Sino-Australyano.

Hinihimok din ng Tsina ang Amerika at Australya na patingkarin ang konstruktibong papel para sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon, dagdag ni Wang.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>