Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Buwan ng pagpapasulong ng konsumo sa buong bansa sa 2020, pinasinayaan sa Beijing

(GMT+08:00) 2020-09-09 14:05:16       CRI

Sa magkasamang pagtataguyod ng Ministri ng Komersyo ng Tsina at China Media Group (CMG), pinasinayaan nitong Martes ng gabi, Setyembre 8, 2020 sa Qianmen pedestrian street ang "2020 National Consumption Promotion Month & Beijing Fashion Consumption Month."

Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina, Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publisidad at Puno ng CMG, Chen Jining, Pangalawang Kalihim ng Munisipal at Alkalde ng Beijing, at iba pang mga opisyal ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma, Tanggapan ng Konseho ng Estado sa Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap, at Pambansang Kawanihan ng Estadistika.

Bukod dito, magkakasamang itinaguyod ng 12 samahan at mga kinatawan mula sa sirkulo ng bahay-kalakal ang inisyatiba ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, pagpapatupad ng pagtitipid, mapagkakatiwalaang negosyo, at pagbibigay-benepisyo sa mga mamamayan.

Tampok sa seremonya ang mga aktibidad bilang pagsisimula sa mga kaukulang gawain ng pagpapasulong ng konsumo. Inilabas din nito ang mga positibong signal na kinabibilangan ng walang tigil na pagtuklas ng bagong konsepto ng konsumo sa proseso ng pakikibaka laban sa pandemiya, pag-unlad ng inobasyon ng tradisyonal na konsumo, pagiging popular ng luntiang konsumo at pagtitipid, at komprehensibong pag-usbong ng merkado.

Layon ng naturang aktibidad na malalimang ipatupad ang estratehikong pagsasaayos ng Komite Sentral ng CPC at Konseho ng Estado para sa pagpapalawak ng pangangailangang panloob ng bansa at pagtatatag ng bagong kayariang pangkaunlaran.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>