![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
ErnestBlog
|
Sa katatapos na pulong ng standing committee ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pinag-aralan ng liderato ng CPC ang patakaran ng pagiging malakas na bansang pandagat, kung ano ang itinakda bilang mahalagang bahagi ng usapin sa sosyalismong Tsino. Ayon sa pulong na ito, magbibigay ang pamahalaang Tsino sa mga industriyang pandagat, at pangangalaga sa kapaligiran sa dagat.
Kaugnay ng mga hidwaang pandagat ng Tsina at mga karatig na bansa, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng CPC at Pangulong Tsino, na dapat pangalagaan ang pambansang kapakanan sa dagat. Dagdag pa niya, ang landas ng mapayapang pag-unlad ng Tsina ay hindi katumbas ng pag-urong sa tumpak na kapakanang pandagat. Pero ipinahayag din ni Xi na dapat palawakin ang mapagkaibigang kooperasyon sa mga karatig na bansa sa dagat at mapangalagaan ang kapayapaan ng rehiyongi to.
Kaya masasabing ang pangkalahatang patakaran ng Tsina sa mga isyung pandagat sa hinaharap ay, kasabay ng mapayapang paglutas ng mga hidwaan sa mga karatig na bansa, buong sikap na pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa.
Bago ang pulong na ito, itinatag ang China Coast Guard na namamahala sa mga suliraning pandagat kung ano paano ihihiwalay nito ang mga tungkulin sa mga organisasyon ng iba't ibang departamento ng pamahalaang Tsino. Ito ay nagpapadali ng pangangasiwa ng pamahalaang Tsino sa mga suliraning pandagat at pangangalaga sa kapakanang pandagat.
Sa ibang dako, ang pagkakatatag ng CCG ay nagpapakita na isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga aktuwal na hakbangin para pangalagaan ang kabuuan ng pambansang teritoryo at soberanya sa halip ng mga sinasabi at pagprotesta lamang noong dati.
Ang pagbibigay-pansin ng Tsina sa dagat ay nagmula, hindi lamang sa mga bagay na may kinalaman sa kabuhayan, kapaligiran, at teknolohiya na binanggit sa nabanggit na pulong ng CPC, kundi sa pagharap sa mga kinakaharap na hamon at nakatagong panganib na mula sa dagat.
Sa kasaysayan ng Tsina, ang naturang hamon at panganib na mula sa dagat ay bumago sa kapalaran ng Tsina. Ang Tsina minsan sa kasaysayan ay naging hikahos at koloniyal na bansa dahil dito. Bukod sa bagay na pangkasaysayan,ang mahigpit na atityud ng Tsina sa mga hidwaang pandagat ay may kinalaman din sa mga umiiral na bagay, halimbawa: ang pangunahing lugar na pangkabuhayan ng Tsina ay nasa baybaying-dagat at ito ay nangangailangan ng sapat na espasyong panseguridad.
Nagbibigay ang Tsina ng dumaraming pansin sa mga isyung pandagat. Hindi lamang ito nagmula sa pag-unlad ng kabuhayan, kundi maging sa aktuwal na pangangailangang panseguridad ng mahabang hanggahan sa dagat. Pero ang pagpapahalaga ng Tsina sa mga suliraning pandagat ay hindi katumbas ng pagkapinsala sa kapakanan ng mga karatig na bansa.
Sa proseso ng integrasyon ng buong daigdig, kailangan ng Tsina ang mapayapang kapaligirang panlabas at mainam na kooperasyon sa mga karatig na bansa. Ito rin ay nakakabuti sa mga karatig na bansa ng Tsina.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |