Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Pamahalaang Tsino, dapat makatugon sa lumalaking pangangailangan ng mga mamamayan

(GMT+08:00) 2013-11-03 21:04:30       CRI

Kamakailan, ang polusyon sa hangin ay nakatawag muli ng pansin ng buong lipunang Tsino, lalo na sa Beijing at ibang mga lugar sa dakong Hilaga ng bansa. Dahil hindi nakikita ang pagbuti ng kalidad ng hangin sa kasalukuyang taglamig kumpara sa taong 2012.

Bukod sa isyu ng polusyon sa hangin, pinag-uukulan din ng pansin ng mga mamamayang Tsino ang ibang mga isyung panlipunan na gaya ng pabahay, kita, at segurong panlipunan.

Noong nakaraang ilampung taon, sustenable at mabilis na umuunlad ang kabuhayang Tsino at ibang mga larangan na gaya ng siyensiya at palakasan, sa isang dako, tumaas ang dangal ng mga mamamayang Tsino sa mga natamong bunga ng bansa sa naturang larangan, pero sa kabilang dako naman, dumarami rin ang pagkabahala nila sa mga kinakaharap na isyung panlipunan.

Siyempre, walang tao ang gustong lumala ang pamumuhay. Bukod dito, kasunod ng pagbuti ng kanilang pamumuhay, lumalaki din ang kanilang pangangailangan at istandard sa karapatan at kapakanan. Ibig-sabihin, dapat mas magsikap ang pamahalaan para pabutihin at pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayan.

Para sa karamihan ng mga mamamayang Tsino, lalo na sa mga batang Tsino, hindi nila naranasan ang panahon bago itatag ang People's Republic of China na gaya ng Anti-Japanese War. Ang kanilang pinakahuling impresyon hinggil sa bansa ay mabilis at matatag na pag-unlad nang mahabang panahon. Gayupaman, ang pamumuhay sa kanilang kaisipan ay dapat sustenableng bumuti.

Kaya masasabing ang pagkabahala ng mga mamamayang Tsino sa mga isyung panlipunan ay dulot ng dalawang aspekto: isa ay mga bagay na lumalala talaga na gaya ng polusyon sa kapaligiran, ang isa pa ay mga bagay na bumubuti talaga pero hindi umabot sa inaasahan nila na gaya ng mataas na kita, pagkakaroon ng bahay, at social security.

Sa kabilang dako, ito'y nagpapakita na ang bunga ng mga patakaran at hakbangin ng pamahalaan noong dati ay hindi nakatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.

Halimbawa ang isyu ng polusyon sa hangin, kahit isinapubliko ng pamahalaang sentral ng Tsina ang isang mahigpit at komprehensibong plano sa pagpigil at pagkontrol sa polusyon ng hangin mula 2013 hanggang 2017, at binalangkas ng mga pamahalaang lokal ang aktuwal na plano sa paglinis ng hangin batay sa nabanggit na pambansang plano at sariling kalagayan, ang isyung ito ay nagpapakita ng pagpapabaya ng pamahalaan sa pangangalaga ng kapaligiran noong mahabang panahon.

Bukod dito, ang pagtaas ng istandard ng mga mamamayang Tsino sa kanilang karapatan at kapakanan ay nangangahulugan na ang gagawin ng pamahalaan ay hindi lamang paglutas sa polusyon, kundi maging sa pag-iwas na maganap muli ang ganitong kalagayan sa hinaharap.

Kaugnay ng ibang mga isyung panlipunan na gaya ng pabahay, kita, at social security, kung makikita lamang ang mga may kinalamang datos, bumubuti ang pangkalahatang kalagayan ng mga ito noong nakaraang ilampung taon, pero para sa mga mamamayang Tsino, ang mas mahalaga ay dapat makatugon ito sa kanilang pangangailangan.

Walang duda, ang mga kapansin-pansing bunga ng pamahalaang Tsino nitong mahigit 30 taon ay nagpatibay ng pananalig ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan, pero sa kabilang dako, ang pananalig na ito ay nagdulot din ng presyur sa mga gawain ng pamahalaan sa hinaharap. Ito ay dahil ang mga gawain ng pamahalaan ay hindi lamang nakatuon sa paglutas sa mga aktuwal na isyung panlipunan, kundi maging sa pag-abot sa tumataas na istandard ng mga mamamayan sa karapatan at kapakanan na dulot ng sustenableng pag-unlad ng bansa.

Mula ika-9 hanggang ika-12 ng Nobyembre, idaraos sa Beijing ang ika-3 sesyong plenaryo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para talakayin at itakda ang mga hakbangin sa pagpapasulong ng mga reporma sa iba't ibang larangan ng Tsina.

Bilang naghaharing partido ng Tsina, ang mga resolusyon ng CPC sa naturang pulong ay isasagawa ng pamahalaang Tsino sa hinaharap. At ang nabanggit na mga isyung panlipunan ay tinatayang magiging pangunahing paksa sa pulong na ito. Pero para sa pamahalaang Tsino, hindi lamang ito magtatampok sa mga aktuwal na isyu, kundi paggawa ng paraan para makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan para sa kanilang patuloy na bumubuting pamumuhay.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>