Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-21 2014

(GMT+08:00) 2014-07-01 16:15:57       CRI

May 25, 2014 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atb.

Margaret Walker

Quote for the day: "Friends and good manners will carry you where money won't go."--Margaret Walker

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapagupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atb.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Lira ng Malabon, Metro Manila: "Hi, Kuya Ramon! Just want to express my appreciation sa programa ninyong may kinalaman sa selebrasyon ng pagkakaibigan. I support this program dahil ito ay makakatulong para mabawasan ang tension sa pagitan ng Philippines at China. I know how it feels kung mayroon kang bansang kasamaan ka ng loob."

Sabi naman ni Chat ng Bajac-Bajac, Olongapo City: "Pinakikinggan ko mga programa ninyo sa AM at podcast. Gusto ko iyong mga programa tungkol sa Chinese culture at Chinese movies and Chinese movie stars. Sana magkaroon din kayo ng mga programa hinggil sa Hollywood movies and stars at international sports."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

MY FOOLISH HEART
(JOSE MARIE CHAN)

Narinig ninyo ang ating opening salvo, "My Foolish Heart," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jose Mari Chan. Ang track na iyan ay hango sa album na may pamagat na "Love Letters and Other Souvenirs."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atb. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TEXT MESSAGES
(CIELO)

Tunghayan naman natin ang mga mensahe ng ilang textmates.

Sabi ng +63 917 960 6218: "Hi, Kuya Ramon! Suportado namin ang inyong pagdiriwang ng Selebrasyon ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina. Sana maging matagumpay ang selebrasyon na ito para hindi masira ang magandang samahan ng mga Pilipino at Tsino."

Sabi naman ng +86 135 351 25887: "Okay yung naisip ng mga Japanese students diyan na mag-offer ng hug at humingi ng hug sa mga Chinese na hindi naman nila kakilala. Sa tingin ko mga sincere naman ang mga kabataang iyon. Hindi ko tatanggihan kanilang alok."

Sabi naman ng +63 919 651 1659: "Sana maayos na ang gusot na namamagitan sa Vietnam at China dahil sa issue ng territorial waters. Sana rin maghunusdili ang mga Vietnamese sa kanilang pagharap sa nabanggit na issue. Hindi na sana lumaki pa ang gusot."

Sabi naman ng +62 411 562 8283: "Talagang masama na ang lagay ng panahon. Imagine na lang na yung mga bansang tulad ng Serbia na hindi lumulubog sa baha ay nagdurusa ngayon pag inulan nang matagal. Ano pa kaya ang magagawa natin para mapigilan ito?"

Sabi naman ng +41 787 882 084: "Napapakinggan ko ang mga programa niyo sa podcast. Malinaw naman ang sound. Walang problema sa sound quality. Ang puna ko lang ay hindi ito updated. Matagal bago lumabas ang mga latest programs."

Thank you so much sa inyong text messages.

MISS YOU SO MUCH
(ZHOU BICHANG)

Iyan naman ang "Miss You So Much," na inawit ni Zhou Bichang at hango sa collective album na pinamagatang "Super Girls' Voice."

Dumako naman tayo sa cooking portion ng ating programa. Narito ang pinananabikan ninyong cook, ang walang kasing-yuming si Cielo.

COOKING SHOW
(CIELO)

Sauteed Potato, Eggplant and Green Pepper

Magandang gabi mga friends. Ito si Cielo ang inyong cook for tonight at samahan ninyo kami ni Kuya Ramon na lutuin ang isang specialty ng Northern China. Ito iyong tinatawag sa Ingles na Sauteed Potato, Eggplant and Green Pepper.

Mga Pangunahing Sangkap:

200 grams ng patatas
200 grams ng talong
100 grams ng green bell pepper

Para sa Seasoning:

100 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
10 grams ng soy sauce
10 grams ng tinadtad na sibuyas-Tagalog o shallot
10 grams ng dinikdik na bawang
20 grams ng mixture of cornstarch and water

Paraan ng Pagluluto:

1. Talupan ang talong at patatas tapos hiwain nang pahilis at pa-cube. Linisin ang bell pepper, tanggalin ang buto at hiwahiwain nang pahaba sa katamtamang lapad.

2. Magbuhos ng 90 grams ng mantika sa frying pan. Pag mainit na, iprito ang patatas hanggang sa maging golden brown tapos hanguin. Tulad din ng patatas, iprito rin nang bahagya ang talong at alisin sa kawali kung brownish na.

3. Ibuhos ang natitirang 10 grams ng mantika sa frying pan. Igisa ang sibuyas at bawang tapos ihulog ang patatas, talong at bell pepper at ituloy ang paggisa. Ilagay ang asin, asukal, soy sauce at mixture of cornstarch and water. Ipagpatuloy pa ang paggisa at siguruhin na pantay ang pagkakagisa. Pagkaraan niyan, hmmm, bon appetit, puwede nang i-serve…

Sana kinasiyahan ninyo ang pagluluto natin ng ating Chinese recipe para sa gabing ito. Medyo recovering pa ako from colds pero normal lang dito kasi nagpalit na ng weather. Summer time is here. Itong muli si Cielo. Maraming salamat sa inyong pakikinig and bye bye for now.

SWEET BABY JAMES
(JAMES TAYLOR)

"Sweet Baby James," inawit ni James Taylor at buhat sa album na may pamagat na "James Taylor's Greatest Hits."

May panawagan si Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore. Sabi: "Sana sa pamamagitan ng programa mo, maipaalam mo sa maraming tagapakinig ang kalagayan sa Serbia. Ang nararanasan nila ay di-malayo sa naranasan ng mga kababayan natin noong dumaan si Huayan. Tulungan natin sila, pre."

Salamat, pre. Sa totoo lang, meron din kaming on-going na fund-raising drive para sa Serbia at patuloy din ang dissemination namin ng information hinggil sa pinakahuling kalagayan sa Balkans. Ipapaalam ko sa iyo ang resulta ng aming may kinalamang activity. Sana nga makalikom tayo ng malaki-laking halaga para sa mga mamamayan ng Serbia. Magtulung-tulong tayo, pare. Thank you uli sa iyong concern.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atb.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat s a inyong walang sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-20 2014 2014-06-20 17:25:41
v Gabi ng Musika ika-19 2014 2014-06-13 10:06:35
v Gabi ng Musika ika-18 2014 2014-05-28 15:32:08
v Gabi ng Musika ika-17 2014 2014-05-21 15:14:08
v Gabi ng Musika ika-16 2014 2014-05-14 16:45:18
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>