Para kay Andrea Chloe Wong isang sorpresa ang bawat pagdalaw niya sa Tsina. 2004 una niyang dinalaw ang bansa bilang isang iskolar na kumukuha ng kurso sa Mandarin. Mula noon nakita niya ang mga pagbabago sa Beijing at ikinatuwa ang walang humpay na pag-asenso nito. Patunay ang pagdami ng subway lines na mula 3 noong 2004, ngayon ay umabot na sa 15.
Kamakailan dumalo si Chloe Wong sa isang komperensyang itinaguyod ng China Center for Contemporary World Studies. Ang paksa: Tsina sa Hinaharap.
Isang research specialist si Bb. Wong sa Foreign Service Institute ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas at ang kanyang pagdalo dito ay makatutulong sa pagpapalawig ng kanyang kaalaman hinggil sa Tsina at maging sa ugnayan nito sa mga bansa sa buong mundo.
Si Chloe Wong
1 2