|
||||||||
|
||
131113MPST.m4a
|
Dumalo ang isang delegasyon ng University of the Philippines Open University (UP-OU) sa 25th World Conference ng International Council for Distance Education na ginanap sa Tianjin, Tsina noong nakaraang Oktubre.
Sa programang Mga Pinoy sa Tsina, kinapanayam ni Machelle Ramos ang dalawang miyembro ng delegasyon na sina Dr. Joane Serrano, Assistant Professor ng Faculty of Management & Development Studies ng UP-OU at Alvie Simonette Alip, University Researcher ng Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs ng UP-OU.
Isa sa pinakamalaking usapin na tinalakay sa konperensya ang Massive Open Online Courses o MOOCS kung saan maaring pag-ibayuhin ng isang distance learner ang kanyang kaalaman sa tulong ng internet. At ang hakbang na ito ay isinusulong ng mga malalaking pamantasan sa mundo.
Ang buong delegasyon ng UP Open University
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |