|
||||||||
|
||
MPST20131211Shanghai.m4a
|
1989 dumating ng Tsina si Charles Jose, sa panahong iyon umusbong ang kanyang kerera bilang batang diplomata. Sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing sinimulan niya ang paglilingkod sa larangan ng ugnayang panlabas. Makasaysayan ang Dekada 90 para sa Tsina at sa panahong ito nasaksihan ni Ginoong Jose ang ilang mga kaganapan bunsod ng pagbubukas ng bansa.
Higit 20 taon ang lumipas, sa Tsina pa rin nanunungkulan ang career diplomat. 2009 itinalaga sya bilang Consul General ng Chongqing at matapos ang dalawang taon sa Shanghai naman na-assign si Consul General Charles Jose.
Pina-unlakan ni Consul General Charles Jose ang Serbisyo Filipino para sa isang panayam na tumalakay sa iba't ibang aspekto ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa maunlad na lunsod ng Shanghai.
Ibinagi ni CG Jose na may 4000 Pilipino sa Shanghai. Sila'y mga managers sa mga hotel at multinational firms, marami ring mga entertainers, guro at mga nagtratrabaho sa service industry.
Ilan sa mga kumpanyang Pilipino na namumuhunan sa Shanghai ang Liwayway Oishi, Metrobank, Eaton Properties, Daichi, SM at Universal Robina.
Ipinagmamalaki rin niyang ang Konsulada ng Shanghai ang may pinakamalaking bilang ng visa applications at tumaas ng 90% ang bilang ng mga turista mula Shanghai na dumadalaw sa Pilipinas. At sa ngayon ang mga Tsino ang pangatlo sa talaan ng bilang ng mga dayuhang pumupunta sa Pilipinas.
Ani Consul General Jose lubos na pinahahalagahan ng Konsulada ng Pilipinas sa Shanghai ang pagpapalalim ng ugnayan at pagpapaigting ng pagkakaibigan sa pagitan ng Tsino at Pilipino. At isang magandang paraan ng pagsusulong nito ay sa pamamagitan ng sister cities na mekanismo para sa public diplomacy.
Ang tanggapan din ni Ginoong Jose ang humawak sa kaso ng Pinoy drug mule na binitay ngayong taon. Lubos na ikinalulungkot ng diplomata ang nangyari at umaasa siyang ito na ang huling kaso ng drug trafficking na kasasangkutan ng isang Pilipino.
Sa pagpapatuloy ng diplomatic mission ni ConGen Jose sa Shanghai nawa'y mas maging matatag ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. At sana'y mag patuloy ang kanyang tagumpay sa pagpapalalim ng pagkakaibigan at paguunawaan ng mga Tsino at Pilipino.
Pakinggan ang buong interbyu ni Machelle Ramos kay Consul General Charles Jose sa programang Mga Pinoy Sa Tsina. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player at siguruhing gumagana ang audio plug-in sa website na ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |