Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-37 2012

(GMT+08:00) 2012-09-16 19:40:34       CRI

Nagsimula na ang bagong semestre ng mga paaralan sa Tsina at natapos na rin ang on-the-job training sa Filipino Service nina Milky at James, dalawang estudyante na mula sa Peking University, kaya nag-iisa naman uli akong nagho-host ng Pop China. Miss na miss ko sila. Noong nasa opisina sila, parang mas magaang ang trabaho namin.

Tulad ng tinalakay natin sa mga nagdaang programa, para sa mga batang Tsino ngayon, liban sa mga super singer na gaya nina Andy Lau, Jackie Cheung, Faye Wong, Eason Chan, Jaw Chou, kaunti lamang ang mga batang mang-aawit na Tsino na nagugustuhan nila at mas popular pa sa kanila ang mga dayuhang mang-aawit na gaya nina Justin Bieber, Avril Ramona Lavigne, at marami pang iba. Para sa mga taong isinilang noong 1970s at 1980s, ang mga Chinese singers na kinabibilang ng mainland, Taiwan, Hong Kong at ibang mga overseas chinese ay karamihan sa mga mang-aawit na gusto nila. Para sa akin, ang kauna-unahang pagkakataon kong nakinig sa awitin ni Michael Jackson ay noong 1998 at ang awiting ito ay ang Dangerous, 7 taong pagkaraang ipinalabas ito. Pero para sa mga batang Tsino na isinilang 1990s at 2000, mas madali silang nakinig sa mga musika mula sa iba't ibang bansa at mas marami silang pagpili sa mga mang-aawit. Ibig-sabihin, kung hindi gaanong mahusay ang mga mang-aawit na Tsino, hindi nila magugustuhan ang mga pop singer na ito. Ok, ang unang awiting ngayong gabi ay ang Dr Jolin, bagong awitin mula kay Jolin Tsai, isang magandang babaeng mang-aawit na Tsino mula sa Taiwan. Mahusay talaga siyang kumanta—at maski sumayaw.

Kahit hindi masyadong marami ang mga mahuhusay na batang mang-aawit na Tsino ngayon, marunong talaga ang mga mamamayang Tsino sa pagkanta. Sa kasalukuyan, may isang popular na TV program na tinatawag na Magandang Tinig sa Tsina, isang paligsahan hinggil sa pagpili ng mga taong marunong kumanta. Ang pangunahing dahilan ng pagiging popular ng nasabing programa ay ang lahat ng mga kalahok ay karaniwang taong gustong kumanta at ang pamantayan ng pagpili sa mga kalahok ay kahusayan sa pagkanta lamang sa halip ng kanilang hitsura at ibang kahusayan. Dahil naman sa programang ito, maaaring isakatuparan ng mga karaniwang Tsino ang kanilang hangarin hinggil sa musika. Kaya ang susunod na awitin ay pinamagatang Let me think about it, mula kay Li Daimo, isa sa mga kalahok sa nasabing paligsahan.

Tunghayan natin ang mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Pablo Cruz: ako, basta nagustuhan ko ang song kahit luma paulit-ulit kong pinakikinggan. walang luma, walang bago sa akin.

Tama ka pare, ang mga magagandang awitin ay maaring mananatili nang mabahang panahon. At para sa akin, ang pinakaimportante ay ang kagandahan ng awitin sa halip na luma o bago ito.

Sabi naman ni Pom: hindi ba kuya ernest kumakanta rin si jacky chan? wala ka bang sample ng kanta niya? patugtog ka naman.

Salamat po sa iyong pakikinig, kaya ang huling awitin ngayong gabi ay ang Endless Love, theme song ng pelikulang Myth at inawit nina Jacky Chan at Kim Hee Seon, isang magandang actress na galling sa South Korea.

Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~

Pop China Ika-36

Pop China Ika-35

Pop China Ika-34

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>