Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-45 2012

(GMT+08:00) 2012-11-12 10:53:13       CRI

Ano ang mga elemento para sa isang sikat na sikat na awitin? Bukod sa magandang liriks at musika, ang mga kuwento na nakapaloob sa awitin ay importante din para mapalalim ang impresyon ng mga tao hinggil sa awiting iyon. Halimbawa ang mga pambansang awitin, theme song ng mga pelikula at mga klasikong awitin, habang nakikinig sa mga ito, ang mga bagay na pumasok sa isip ng mga tao ay hindi lamang musika, kundi maging mga kuwentong historikal at romantiko.

Sa kasalukuyan, nakatutok ang mga mamamayang Tsino sa sesyong plenaryo ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC na tumatagal mula ika-8 hanggang ika-14 ng Nobyembre. Dahil gusto nilang malaman kung ano ang mga patakaran at hakbangin ng CPC para malutas ang mga isyung panlipunan at pabutihin ang pamumuhay ng mga karaniwang mamamayan, halimbawa, napakataas na presyo ng mga pabahay, masikip na trapiko sa mga lunsod, tumataas na presyo ng mga paninda, problema sa pangangalaga sa kapaligiran, at paglaban sa korupsyon. Masasabing ang pulong na ito ay napakaimportante para sa kapalaran ng Tsina at mga mamamayang Tsino sa hinaharap.

Tulad ng sinabi ko kanina, ang mga awitin ay sikat na sikat dahil sa mahigpit na kaugnayan sa mga napakahalagang insidente sa kasaysayan. Sa Pilipinas, mayroong mga nakabayang awitin tulad ng Bayan Ko, Magkaisa. Ito ay sikat na sikat sa EDSA revolusyon, dahil kuhang kuha nito ang tunay na saysayan ng people power revolution. Dito sa Tsina, mayroon din mga awitin na katulad nito. Kaya sa programa ngayong gabi, ipapakilala ko sa inyo ang mga ganitong uri na awitin sa Tsina gaya nina The East Is Red, A Tale of Spring, at On the Hopeful Field.

Kaugnay ng kasaysayan ng CPC, ang dating mga lider na sina Mao Zedong at Deng Xiaoping ay nagkaroon ng makabuluhang katayuan dahil sa kanilang napakahalagang ambag sa pag-unlad ng CPC at Tsina.

Si Chairman Mao Zedong ay itinuturing na namumuno sa CPC at mga mamamayang Tsino para itatag ang nagsasariling bansa at kompletong sistemang pang-industriya ng Tsina. Masasabing ito ang naglatag ng matatag na pundasyon para sa pag-unlad ng Tsina.

Kaya ang unang awiting ngayon gabi ay hinggil sa mga ambag ni Mao Zedong sa CPC at Tsina. Ito ay pinamagatang The East Is Red.

Ang awiting ito ay mula sa isang local melody ng lalawigang Shanxi, dakong Hilagang Kanluran ng Tsina. Sa awiting ito, pinapurihan ang papel ng CPC sa pagkakatatag ng People's Republic of China at pagsasarili ng mga mamamayang Tsino mula sa naghaharing kolonyal na mga kanluraning bansa. Walang duda, pinapurihan din ang malalaking ambag ni Mao Zedong sa naturang mga natamong bunga.

Si Deng Xiaoping ay ang nagharap ng teorya ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas. Tulad ng alam ng lahat, pagkatapos ng pagsasagawa ng teoryang ito, malaki ang nagbago sa Tsina noong mahigit 30 taong nakaraan at ang Tsina ngayong ay ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa buong daigdig.

Kaya ang susunod na awitin ay pinamagatang A Tale of Spring na naglalarawan ng malaking pagbabago ng Tsina pagkatapos ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas.

Kahit ang awiting ito ay may kinalaman sa ambag ni Deng Xiaoping, ang pagkakaiba nito sa awiting The East is Red, ay ang pagluluklok kay Mao Zedong sa kasingtaas na antas sa CPC, ang awiting A Tale of Spring ay naglarawan lamang ng pagbabago ng Tsina at hindi nabanggit kay Deng Xiaoping. Ito ang may kinalaman sa pagsisikap ng CPC sa larangang demokratiko at paglaban sa pagsamba sa pagsasarili.

Noong nakaraang 10 taon, natamo ang malaking progreso ng Tsina, pero kinakaharap naman ang mga hamon sa loob at labas na bansa na gaya ng krisis pinansiya sa Europa, pagbabago ng klima, kaligtasan ng enerhiya, paglaki ng agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, kahilingan sa reporma sa sistemang pulitkal, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Gayuman, ang kinabukasan ay maganda at puno ng mga pag-asa, kung tatahakin ng CPC at Tsina ang tamang landas. Kaya ang huling awiting ngayong gabi ay pinamagatang On the Hopeful Field na ginamit minsan ng mga mamamayang Tsino para ipakita ang kanilang magagandang hangarin sa hinaharap.

Ito muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.

Good night~

Pop China Ika-44

Pop China Ika-43

Pop China Ika-42

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>