Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-30 2014

(GMT+08:00) 2014-11-09 14:02:40       CRI
Bilang isang DJ, madalas na masakit ang ulo ko dahil hindi ko alam kung anong paksa ang dapat talakayin at anong kanta dapat kong piliin para mag-enjoy kayo sa pakikinig ng aking programa. Tulad din ito ng mga singers na palaging naghahanap ng paraan para makaakit ng mas maraming fans. Bukid dito pinagtutuunan din nila ang kanilang image Kaya, nakikita natin ang mga singers na nakadamit ng weird style ng kasuotan gaya ng queen of Egypt, ipinalalabas din nila ang estado ng kanilang love affair bago ilabas ang kanilang current album o makipag-collobrate sa iba pang kilalang singer o band. OK, pagkaraang mapakinggan ang kantang Star na mula kay Jay Chow, titingan natin ang ilang bagong malikhain at kawili-wiling performance o music videos.

Kamakailan, may follow up na ang Ylvis brothers matapos ang tagumpay ng kanilang single na "The Fox." Inilabas nila ang ikawalang video ng "The Trucker's Hitch", dito pinagsama nila ang kanta, sayaw at rope magic sa kanilang performance na nakatanggap ng sina Vegard at Bard Ylvis ng rope trick sa binti at leeg, tapos, just like magic, isang hila lang, wala na ang buhol! Stunning stage effect!

Kumpara sa paulit-ulit na praktis at matinding kasipagan ng Ylvis Brothers, ang susunod na performance ay nangangailangan ng tapang lamang. Kung ikaw ay big fan ng programang NBC na "The Tonight Show", Sa bagong music video ng kantang "EW" ni Will. I. AM ng Black Eyed Peas, makikita ninyo sa dalawang pamilyar na figures, iyong mataas, muscular na blade beauty na ginagapanan ni Jimmy Fallon at iyong medyo maliit, mataba na black sister na nakasuot ng exaggerated braces, yes ito ay walang iba kundi si Will. I. AM. Actually, hit na hit ang kulay at ayos ng kanilang mga leggings, may nakakalam ba sa inyo kung saan ito mabibili at kung anong brand ng mga ito?

Bukod sa nilalaman at ayos, importante naman ang pagpili ng lugar ng performance, noong isang linggo biglang lumitaw at kumanta sa kalye si Jessie J, at nakapagbigay ng mas malaking sorpresa sa mga music fans. Inirekord ng mga passers-by ang performance sa pamamagitan ng kanilang cellphone at magkasamang kumanta kasama ni Jessie J, lalong lalo na sikat na kanta niyang "Price Tag".

Kamakilan, sa isang live performance ng One Republic, dinala ng lead vocal nito na si Ryan Tedder ang isang kamera, at habang kumanta ng mga hottest hits tulad ng "Apologize", inirekord niya ang reaksyon ng mga music fans at sa bandang huli, direktang bumaba siya ng stage at lumapit sa mga fans, magkasamang kumanta o nag make-face kasama ng mga fans. Dahil kasama nila sa video ang kanilang idol tiyak na hindi malilimutan ito ng mga fans forever.

Nabanggit ko ang Price Tag ni Jessie J, kung napanood ninyo ang music video ng "Price Tag", hindi ko alam kung napansin pa ba ninyo ang isang brown skinned dancer sa likod ni Jessie… siya ay si FKA Twigs. Bilang isang mixed Spanish at Jamaican, mayroon siyang isa pang title: girl friend ni Robert Pattinson. Paano naakit ng exotic looking babe si Mr Charming ng buong daigdig? Ire reveal ko ito sa ilang sandali.

Paano naakit ng exotic looking babe si Mr Charming ng buong daigdig? Heto ang mga dahilan. Una una, siya ay isang mahusay na dancer. Siya ay sumailalim sa mahaba at mahigpit na pagsasanay ng ballet. Siya ay kilalang dancer din na lumabas minsan sa music video nina Ed Sheran, Kylie Minogue at Jessie J.

Ikalawa siya ay isang unique na Barbie doll, may wirdong hairstyle, dagdagan pa ng kanyang wirdong dressing style at katangi-tanging fashion taste na naging dahilan para siya ay maging cover girl ng kilalang fashion magazine na i.D.

Ika-3 Psychedelic singer siya, parang ang lahat ng kanta niya ay naging melody na full of sensuality and heartache. In a word, napakatalino niya at isang Blackhorse para sa sirkulong musikal ng taong 2014.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-29 2014 2014-10-23 16:31:35
v Pop China Ika-28 2014 2014-10-17 11:03:20
v Pop China Ika-27 2014 2014-10-17 10:43:31
v Pop China Ika-26 2014 2014-09-15 18:25:44
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>