|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Two Serendra blast victim, namatay na rin
NAMATAY na ang malubhang nasagutan sa pagsabog sa isang mamahaling condominium sa Taguig City noong ika-31 ng Mayo kaninang madaling araw.
Ayon sa kanyang abogadong si Raymond Fortun, namayapa na si Angelito San Juan dahilan sa organ failure kaninang 12:20 ng umaga.
Sinabi naman ng tagapagsalita ng Ayala Land, Inc., ang may-ari ng Two Serendra na sila'y lubhang nalulungkot sa pagpanaw ni G. San Juan. Ipinararating din ang taos-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya,
Magugunitang dumating sa Pilipinas si G. San Juan upang dumalo sa isang kasalan at palabas n asana upang maghapunan ng maganap ang pag-sabog.
Ang Two Serendra ay kabilang sa may 61 residential at commercial establishments na gumagamit ng gas pipe-in systems. Nagdesisyon ang Ayala Land, Inc na huwag nang gamitin ang kanilang pipe-in system sa condominium kabilang na ang One Serendra.
Magugunitang tatlong kawani ng Abenson Appliance Store ang nasawi sa pagsabog ng mabagsakan ng semento ang kanilang sinasakyang van na dumaraan sa pook.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |