|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pamahalaan, may palatuntunan upang tugunan ang kakulangan ng kuryente sa Mindanao
TINIYAK ng tanggapan ni Energy Secretary Jericho Petilla na mayroong palatuntunan ang pamahalaan upang matugunan ang kakulangan ng kuryente sa Mindanao.
Ayon sa mga kasagutan sa katanungan ipinadala sa pamamagitan ng liham ng CBCP Online Radio, ang kakulangan ng kuryente sa Mindanao ay dahilan sa kakulangan ng supply ng kuryente dahilan na rin sa nababawasang kakahayan ng mga power plant na pinatatakbo ng National Power Corporation at PSALM. Ang pinaka-apektadong mga lugar ay ang pinaglilingkuran ng mga electric cooperatives sapagkat hindi nila inakalang kailangang makipag-kontrata sa mga independent power producer.
Sa kanilang pagsususri, ang pagbaba ng tubig sa Agus at Polangui hydro-electric power plants at pagdami ng electric consumer ang dahilan ng kakulangan ng kuryente. Ang mga lungsod na Davao, Cagayan de Oro at Iligan na pinaglilingkuran ng mga pribadong kumpanya ay hindi nakararanas ng brownouts sapagkat ang Davao Light and Power Company at ang Iligan Light and Power, Inc. ay may mga sariling generator na makapagbibigay ng sapat na kuryente kung magkukulang ang kuryenteng mula sa National Power Corporation.
Ayon pa sa Department of Energy, ang pamahalaan ay maraming palatuntunan at hakbang sa Mindanao upang maiwasan ang matagalang kakulangan ng kuryente. Kinabibilangan ito ng Interim Mindanao Electricity Market na binuo ng kagawaran sa pakikipagtulungan sa Philippine Electricity Market Corporation at Interruptible Load Program na pumapayag sa mga customer na bawasan ang kanilang consume at mabigyan ng kaukulang kabayaran.
Ang IMEM ay isang mandatory program para sa lahat ng generation capacities at mga customer na may mga embedded generation at Distribution Utilities upang makapagbigay ng realtime correction sa kakulangan ng kuryente. Ipatutupad ito sa darating na Setyembre ng taong ito.
Sa Luzon, binaggit ng Department of Energy na nagsasagawa ng updating at pagpapalit ng mga lumang kagamitan ang National Grid Corporation subalit inamin nilang hindi ito magiging madalian sapagkat magtatagal ito ng ilang taon. Naghihintay pa sila ng pagsang-ayon ng Energy Regulatory Commission.
Bagama't mayroong 2,049 MW installed capacity, aabot lamang sa 1,614 MW ang maasahan sa mga planta sa Mindanao. Inihalimbawa nila ang 1,014 MW installed capacity ng National Power Corporation samantalang 792 MW lamang ang maasahan. Ang NPC ay umaambag ng 49% sa Mindanao power grid. Ang mga planta ng NPC at Independent Power Producers ay mayroong 512 MW installed capacity samantalang 458 MW lamang ang napakikinabangan. Ang NPC-IPP ay nag-aambag ng 25%. Ang mga plantang hindi saklaw ng National Power Corporation ay mayroong 523 MW na installed capacity samantalang 364 MW lamang ang napakikinabanagan. Ang mga pribadong kumpanya ay nakaaambag ng 26% sa Mindanao power grid.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |