Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtitipon ng mga Pilipino sa harap ng Konsulado ng Tsina, mapayapa

(GMT+08:00) 2013-07-24 18:45:17       CRI

Pagtitipon ng mga Pilipino sa harap ng Konsulado ng Tsina, mapayapa

MINUTE OF SILENCE, IDINAOS.  Sa pagtitipon ng may 700 katao sa harapan ng Chinese Consulate sa Makati City, nagkaroon ng A Minute of Silence upang iparating sa Tsina ang kanilang kahilingang kilalanin ang soberenya ng Pilipinas at gamitin ang payapang paraan upang malutas ang 'di pagkakaunawaan.  Nasa larawan sina dating DILG Secretary Rafael M. Alunan III, dating Congressman Roilo Golez at ilan pa sa mga organizer ng pagtitipon.  (Larawan ni Melo Acuna)


BAHAGI NG MGA DUMALO SA PAGTITIPON.  Makikita sa larawan ang mga kinatawan ng Philippine civil society na lumahok sa payapang protesta sa nagaganap sa South China Sea. Walang sinumang naghahangad ng digmaan, dagdag pa ng mga organizer ng protest action.  (Larawan ni Melo Acuna)

WALANG DAPAT ASAHAN SA ALINMANG BANSA.  Ito ang pahayag ni dating Senador Rene Saguisag sa katanungan kung anong maasahan sa mga kaibigang bansa tulad ng America.  Ayon kay Ginoong Saguisag, mahalagang gamitin ng Pilipinas ang diplomasya upang maiwasan ang anumang kaguluhan.  (Larawan ni Melo Acuna)

UMABOT ng may 700 katao na mula sa iba't ibang sektor ng lipunan ang nagtipon sa harap ng konsulado ng Tsina sa World Center, Senator Gil J. Puyat Avenue, Makati City kaninang bago nagtanghaling tapat.

Kinatampukan ng mga awiting makabayan at mga talumpati ng mga nasa likod ng pagtitipon ang sinasabing protesta sa nagaganap na 'di pagkakaunawaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

Nagkaroon ng mga kinatawan ang Former Senior Government Officials na kilala rin sa pangalang People Power Volunteers for Reform, mga kabilang sa Rebolusyunaryong Alyansang Makabansa at mga kinatawan ng iba't ibang samahan.

Ayon kay dating Interior and Local Government Minister Rafael M. Alunan III, nararapat lamang sa payapang paraan lutasin ang 'di pagkakaunawaan. Ipinaliwanag din ni dating Congressman Roilo Golez na napapanahon nang tapusin ang 'di pagkakaunawaan sa payapang paraan. Pinasalamatan din niya ang mga Pilipino sa iba't ibang panig ng daigdig na nagsagawa rin ng protesta tulad ng mga nasa Estados Unidos, sa Italya at ilan pang mga bansa sa Europa.

Sinabi rin ni dating Senador Rene Saguisag na laging may pag-asang daanin sa diplomasya ang isyu. Ang dating senador ay kabilang sa 12 senador na nagpawalang bisa sa kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagkakaroon ng mga banyagang base-militar sa Pilipinas.

Bago nagtapos ang sama-samang pagkilos, nagkaroon ng isang sandaling katahimikan ang mga nagtipon at nanatiling nakaharap sa gusali ng konsulada. Walang opisina sa konsulada dahilan sa mga isyung pangseguridad.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>