|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalihim Luistro, nagpaliwanag
SINISI ni Education Secretary Armin Luistro ang kakaibang media reports na pinag-ugatan ng mga pagpuna sa paghiling sa mga gurong Muslim sa mga paaralang bayan na may mga belo na alisin ang mga ito samantalang nagtuturo.
Ipinaliwanag ng kalihim na 'di tulad ng laman ng mga balita sa kanyang Department Order No. 32 series of 2013, hindi niya hiniling sa mga guro ng Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) subjects na alisin ang kanilang mga belo samantalang nasa paaralan.
Ani Kalihim Luisto, ang ganitong mga headline ang nagbibigay ng impormasyong pinag-uutusan ang mga gurong alisin ang kanilang mga belo na kilala sa pangalang hijab.
Ang nais iparating ng kautusan ay ang pagaalis ng kanilang hijab na nakatakip sa kanilang mga mukha samantalang nagtuturo. Ang pag-aalis ng belo sa kanilang mukha ang magsusulong ng mas magandang relasyon sa pagitan ng mga guro at mga mag-aaral.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |