Dalubhasa sa Bibliya at mga Wika ang darating sa Maynila
SA pagdiriwang ng Year of Faith, magkakaroon ng pagkakataong mapakinggan ang isang dalubhasa sa Mabuting Balita at mga Wika sa pagdalaw ni Dr. Christopher Rico na magbibigay ng special courses sa unang tatlong araw ng Agosto sa University of Asia and the Pacific sa Lungsod ng Pasig.
Tatalakayin niya ang "Language of the Bible" sa Huwebes, Agosto uno mula ala una y media hanggang ika-lima ng hapon.
Sa Biyernes naman, maghapon ang kanyang lecture sa Hellenistic and Roman Culture anf Language at sa Sabado, ikalawang araw ng Agosto. Sa Sabado, ipakikita niya ang bagong paraan ng pag-aaral ng mga wika na yumayabong sa Jerusalem Institute, ang Polis Method.
1 2 3 4