Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit na pagtutulungan ng Pilipinas at Nigeria, tiyak

(GMT+08:00) 2013-07-29 18:23:55       CRI

SA pagdalaw ni Nigerian Foreign Minister Olugbenga Ashiru sa Maynila at pakikipag-usap kay Kalihim Albert F. Del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, nakatitiyak ang dalawang bansa ng mas mainit na pagkakaibigan at pagtutulungan.

Kasama ni Minister Ashiru ang iba pang mga opisyal ng Nigerian Foreign Ministry sa pagdalaw sa tanggapan ni Kalihim del Rosario kanina. Napatuon ang pag-uusap sa economic cooperation, investment opportunities, pagpapayabong ng people-to-people interactions at paglaban sa transnational crimes partikular ang drug trafficking.

Ani Kalihim del Rosario, makakausap din ng Nigerian delegation ang mga mangangalakal na Pilipino sa larangan ng telecommunications, manufacturing at airline industries upang mapag-ibayo ang pagtutulungan at mapaganda ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. Pinag-aaralan din ng Pilipinas ang posibilidad ng pagbili ng krudo mula sa Nigeria.

Noong 2012, ikapito ang Nigeria sa mga bansa sa Africa na kakalakal ng Pilipinas. Isang malaking pamilihan ang Nigeria para sa mga makinarya, mga kemikal, mga gamit pangsasakyan, manufactured goods, pagkain at mga buhay na hayop.

Mayroong 174.5 milyong mamamayan sa Nigeria, ikalawa sa pinakamaunlad na bansa at tulad ng binaggit ng Goldman Sachs' na kabilang sa mga susunod na 11 mga ekonomiyang nararapat bantayan.

Idinagdag ni Kalihim del Rosario na malaki ang naia-ambag ng mga Pilipino sa kaunlaran ng Nigeria. Mayroong 7,200 mga Pilipino sa maunlad na bansang ito sa Africa.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>