Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit na pagtutulungan ng Pilipinas at Nigeria, tiyak

(GMT+08:00) 2013-07-29 18:23:55       CRI

Pork Barrel, matagal ng kontrobersyal

SINABI ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas na bago pa man lumabas ang eskandalong nagkakahalaga ng P 10 bilyon, matagal ng mayroon itong masamang reputasyon ang pork barrel. Ipinagtatanong niya kung ilan nang mga tradisyonal politicians ang tumakbo at gumastos ng labis at nakapatay pa ng kapwa dahilan sa milyun-milyong pisong makakamal sa oras na magwagi dahilan sa pork barrel – ang pondong inilalaan para sa mga kongresista at mga senador.

Sa kanyang apat na pahinang pastoral statement, sinabi ni Arsobispo Villegas na bagama't hindi sila mga politiko o abogado, socio-economic planners at strategists, sila nama'y naninindigan sa larangan ng ethical at moral standards. Hindi umano ipinagbabawal ng pagkakahiwalay ng Simbahan at Estado ang moral ethical values na nararapat makaimpluensya ng lipunan. Ang salaping nagmula sa mga mamamayan ay nararapat gastusin sa mga palatuntunan sa pangangailangan ng mahihirap.

Lumalabas umanong discretionary funds ng mga politiko ang kanilang mga pork barrel funds. Ipinaliwanag din ni Arsobispo Villegas na ang pagpapagawa ng mga tulay at lansangan ay gawain ng Ehekutibo at hindi ng mga kasapi ng Lehislatura.

Nanawagan siya sa mga alagad ng Simbahan sa Pangasinan, sa Lingayen-Dagupan, na walang hihingi ng pondo upang huwag nang matuksong kumuha ng salapi ang mga politiko sa jueteng at pork barrel. Ipinaalala niya sa mga Katoliko ang kasabihang "Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw."

Sa panig ng pamahalaan, hayaan na lamang ng mga mambabatas ang pagpapagawa ng mga pagawaing bayan sa Ehekutibo at ang pagpapanday ng batas ang kanilang pagtuunan ng pansin.


1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>