|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Basilica Minore ng Itim na Nazareno, isinailalam sa disinfection
KUMILOS ang pamahalaan at naglunsad ng disinfection at anti-dengue spraying sa Basilica Minore ng Itim na Nazareno sa Quiapo mula ika-sampu ng gabi mamaya hanggang bukas ng ikatlo ng umaga.
Ayon kay Director Eduardo Janairo ng Kagawaran ng Kalusugan sa National Capital Region, ang simbahan ng Quiapo ang isa sa pinakamalaking public area na dinadalaw ng libu-libo katao araw-araw. Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na magbibigay ng anti-dengue spraying upang huwag makagat ng lamot ang mga deboto ng Nasareno.
Magkakaroon din ng disinfection sa loob at sa paligid ng simbahan upang maiwasan ang pagkalat ng mga bacteria na maaaring maging dahilan ng sipon at trangkaso.
Ang proyekto ay sa pakikipagtulungan sa Simbahan sa ilalim ni Msgr. Clemente Ignacio, ang tagapangasiwa ng basilica.
Ani Dr. Janairo, ang proyektong ito ay suporta na rin sa pamahalaang lungsod ng Maynila na mayroong sariling anti-dengue programs.
Umabot na sa 4,263 katao ang nagka-dengue sa National Capital Region mula unang araw ng Enero hanggang ika-20 ng Hulyo. Mas mababa ito sa 13,918 na naitala noong 2012. Quezon City ang pinagmumulan ng pinakamaraming kaso ng dengue at sinundan ng Maynila at pangatlo naman ang Caloocan City.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |