Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahalaga ang papel ng kumpetisyon sa mga lungsod at bayan

(GMT+08:00) 2013-07-30 18:00:24       CRI


Sinabi Trade and Industry Secretary Gregorio Domingo na mahalagang magkaroon ng benchmarking ang mga lungsod at bayan.  Sa kanyang talumpati, kailangan ito upang mabatid ang kanilang kinatatayuan at makapagplano para sa iba't ibang programang makakaakit ng mga mangangalakal.  (Larawan ni Melo Acuna)

BINIGYANG-DIIN ni Kalihim Gregory Domingo ng Department of Trade and Industry ang kahalagahan ng kumpetisyon sa mga lungsod at bayan upang matiyak ang maayos na economic growth.

Sa kanyang talumpati sa idinaos na National Competitiveness Summit, sinabi niyang layunin ng palatuntunang mapaunlad ang iba't ibang bahagi ng bansa upang makatawag ng pansin ng mga mangangalakal at mapasigla ang galaw ng ekonomiya patungo sa kanayunan.

Ani Kalihim Domingo, sa oras na maging maunlad ang isang rehiyon, tiyak na susunod ang mga kalapit nito at makakarating ang kaunlaran sa mga bayan-bayan.

Kabilang sa target nilang isulong ang industriya ng kape, goma, information communication technology, health and wellness, mga processed food at mga muebles.

Binanggit din niya ang pagkakaroon ng mga bagong information communication technology hubs sa Davao, Baguio, at Sta. Rosa sa Laguna bilang dagdag sa Maynila at Cebu sa larangan ng top 100 outsourcing destinations.

Mula sa 122 mga lungsod at 163 mga nangungunang bayan, Cagayan de Oro City sa Misamis Oriental ang tinaguriang Most Competitive City at sinundan ng mga lungsod ng Iloilo, San Fernando sa Pampanga, Butuan sa Agusan del Norte at Bacolod sa Negros Occidental. Sa mga munisipyo, nanguna ang San Francisco sa Agusan del Sur, Guagua sa Pampanga, Carmona sa Cavite, Daet sa Camarines Norte at General Trias sa Cavite.

Kahit pa higit sa kalahati ng nangungunang mga lungsod at bayan ang nasa Luzon, ang pinakanangunang lungsod at bayan ay nasa Mindanao.

Nakilala ang mga nangungunang lungsod at bayan sa Economic Dynamism na kumikilala sa business registration, employment at financial institutions. Sa bahagdang ito, nanguna ang Lungsod ng Quezon, Koronadal, South Cotabato at Marikina City. Ang mga nangunang bayan ay Calasiao sa Pangasinan, San Nicolas sa Ilocos Norte at Sta. Cruz sa Laguna.

Sa larangan ng Government Efficiency na kinabibilangan ng transparency and accountability, public finance, performance recognition, business responsiveness at basic government services, nanguna ang Iloilo City, Bacolod City at Cagayan de Oro City. Sa kabayanan, nanguna ang Kabugao, Apayao, Pontevedra, Capiz at Nueva Valencia, Guimaras.

Sa larangan ng infrastructure category na kinabibilangan ng mga lansangan, basic utilities at mga rehistradong sasakyan, nanguna ang Naga City, Camarines Sur, San Fernando, Pampanga at Cagayan de Oro City, Misamis Oriental. Nanguna naman ang mga bayan ng Daet, Camarines Norte, Mexico, Pampanga at Virac, Catanduanes.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>