|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga kabataan mula sa NCR, nagdiwang din ng World Youth Day
KAHIT hindi nakadalo sa World Youth Day sa Rio de Janeiro sa Brazil, may 4,000 mga kabataan mula sa National Capital Region ang dumalo sa dalawang araw na pagdiriwang upang mapalalim ang kanilang pananampalataya.
Idinaos ang pagdiriwang sa Don Bosco Technical Institute sa Makati at dinaluhan ng mga kabataan na kinatampukan din ng mga banyaga.
Magugunitang nanawagan ang Santo Papa Pope Francis sa mga kabataan na higit na maging aktibo at makiisa sa mga ginawaga ng Simbahan. Ito ang kanyang mensahe sa welcome ceremonies para sa World Youth Day sa Guanabara Palace noong ika-22 ng Hulyo.
Idinagdag pa ng Santo Papa na ang mga kabataan ang kinabukasan ng mga susunod na saling-lahi.
Sinabi ni Fr. Favie Faldas, spiritual director ng World Youth Day 2013 sa National Capital Region na kailangang maging epektibong tagapaghatid ng Mabuting Balita ang mga kabataan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |