|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Caritas Macau, nag-ambag ng HK$ 50,000 para sa mga binagyo
NAGKALOOB ang Caritas Macau ng HK$ 50,000 para sa mga biktima ng bagyong "Pablo". Sa simpleng seremonya sa Philippine Consulate sa Macau, ipiangkaloob ni Caritas Macau Secretary General Paul Pun Chi Meng ang tseke kay Consul General Danilo T. Ibayan bilang donasyon sa Philippine Red Cross.
Sinaksihan ni Vice Consul Fernando Beup, Jr. Labor Attaché Ramon Lamberto Pastrana at Finance Officer Felisa Macaraig ang turn-over.
Higit sa 600 katao ang nasawi sa trahedya samantalang libu-libo naman ang nawalan ng tahanan. Ikalawa na itong donasyon mula sa Caritas Macau mula noong ika-8 ng Nobyembre 2012 ng magkaloob sila ng HK$ 100,000 sa Philippine Red Cross para sa mga biktima ng bagyong Sendong.
Ipadadala kaagad ang salapi sa Philippine Red Cross sa Maynila.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |