Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, nagdiwang ng ika-115 taong pagkakatatag

(GMT+08:00) 2013-07-31 17:21:36       CRI

Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, nagdiwang ng ika-115 taong pagkakatatag

PINAMUNUAN ni Kalihim Albert F. Del Rosario ang pagdiriwang ng ika-115 taong pagkakatatag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas kasabay ng ika-149 na taong kapanganakan ng bayaning si Apolinario Mabini, ang unang pinuno ng kagawaran.

Sa kanyang talumpati, pinarangalan ni Kalihim del Rosario si Apolinario Mabini sa kakaibang talino at lakas ng loob na humarap sa mga hamon noong kanyang kapanahunan.

Ipinakita niya ang pagpapahalaga sa kalayaan na nakitang lumaban sa pananakop at nagpainit ng pagiging makabayan ng mga Pilipino. Sandigan umano ng foreign policy ni Kalihim Mabini ay ang kapangyarihan at kakayahang tumahak ng mga nilalayong landas ng mga Pilipino.

Ani G. del Rosario, sumaksi ang Pilipinas sa mga hamon sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon. Nanindigan ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas batas sa dahilan at pagsusulong ng payapang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng konsultasyon at pagkilala sa pandaigdigang batas o international law.

Idinagdag pa ng kalihim na pinanindigan ng pamahalaan ang nasasakupan nito sapagkat ito'y karapatan ng mga mamamayang Pilipino. Nanindigan ang Pilipinas sa harap ng daigdig sa pagsusulong sa mga karapatan sa karagatan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas. Ito rin ang dahilan kaya't humiling ang bansa ng arbitral proceedings sa ilalim ng UNCLOS.

Mula sa maritime security hanggang economic cooperation, mula sa counter-terrorism hanggang cultural exchanges, naisulong ng Pilipinas ang interes nito sa paglahok sa mga pandaigdigang pagtitipon at pagpupulong at nangunguna pa sa pagbuo ng mga nakatakdang pagpupulong.

SA taong 2015, ang pilipinas ang magiging abala sa Asia-Pacific Economic Cooperation at titiyakin ng ng Kagawaran na maging matagumpay ang pagtitipong ito.

Mula noong 2010, nakatulong na ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa may 31,000 mga Pilipinong problemado, kabilang na ang kanilang mga pamilya sa anumang kalagayan ng mga mamamayang nangailangan ng consular assistance, dagdag pa ni Kalihim del Rosario.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>