|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pilipinas at Australia, kikilos laban sa mga ninakaw na pasaporte
NAGKASUNDO ang Pilipinas at Australia na mapigil ang paggamit ng mga nawala at ninakaw ng pasaporte ng mga maglalakbay sa Asia-Pacific region.
Isang kasunduan ang nilagdaan ng Bureau of Immigration sa ilalim ni Acting Commissioner Siegfried Mison at ng pamahalaan ng Australia upang madali ang pagkilala sa mga dokumentong dala ng mga naglalakbay.
Kilala sa pangalang Regional Movements Alert System, ang programa ay isang web-based project na mula sa business mobility group ng Asia-Pacific Economic Cooperation.
Sa pamamagitan ng programa, madaling malalaman ang status ng travel documents sa tamang panahon at mula sa issuing authority. Magkakaroon ng automated checking ng passport data sa oras ng airline check-in sa database ng tanggapang naglabas ng pasaporte.
Ani Mison, ang anumang paggamit ng nawala, ninakaw at wala ng bisang mga pasaporte mula sa Australia ang madaliang makikilala at maaalerto ang mga immigration authorities.
Sinabi ni Australian Ambassador Bill Twedell na ang Australia at APEC ay nananawagan sa iba pang mga bansa na pag-aralan ang benepisyong matatamo sa RMAS project.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |