|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bagong Koalisyon sa Mababang Kapulungan, binuo
NAGSAMA-SAMA ang ilang mga kasapi ng Mababang Kapulungan upang mabuo ang sinasabing independent bloc. Ang mga mambabatas ay pinamumunuan nina Congressmen Ferdinand Martin Romualdez at Lito Atienza ng Buhay Party-List.
Makikilala ang grupo sa pangalang Coalition for Life na magsusulong ng kultura ng buhay sa bansa sa pamamagitan ng Kongreso.
Ipinaliwanag ni G. Atienza na ang koalisyon ay nagkakaisa sa paninidigan hinggil sa pamilya at buhay na karaniwang tinutuligsa ng mga mula sa Kanluran.
Hahadlangan nila ang isyu ng diborsyo, same sex marriage at abortion kabilang na ang euthanasia.
Naniniwala si G. Atienza na ipagtatanggol ng kanilang grupo ang buhay.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |