Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Matatapos na ang usapin ng Hacienda Luisita

(GMT+08:00) 2013-08-02 16:30:43       CRI

 Ito ang sinabi ni Kalihim Virgilio De los Reyes sa panayam ng mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kaninang umaga.  Layunin nilang maibigay ang mga dokumento sa mga manggagawang bukid sa darating na Setyembre at makapagmuhon sa oras na matapos ang anihan ng tubo.  (Mga larawan ni Melo Acuna)

TINIYAK ni Kalihim Virgilio R. de los Reyes ng Kagawaran ng Repormang Agraryo na matatapos na ang usapin ng Hacienda Luisita bago matapos ang taong 2013.

Sa isang briefing na ibinigay ni Kalihim de los Reyes sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, isinasagawa na ang "raffle" ng tamang kalalagyan ng mga benepisyaryong magbubukid ng kontrobersyal na lupain.

May mga ginagawa nang pagsusuri ng lupaing kalalagyan ng mga magsasaka upang mabatid kung anong halaman ang maitatanim mula sa tubo hanggang sa palay.

Bagama't karaniwang makatatanggap ang mga benepisyaryo ng 6 hectare bawat isa, pumapayag naman ang Kagawaran ng Repormang Agraryo na magtabi-tabi ang mga magkakaibigan o magkakamag-anak na benepisyaryo upang higit na maging epektibo ang produksyon ng mga sakahan. Kahit pa magkakatabi ang mga ito, hindi magbabago ang sukat sapagkat maglalagay ng mga muhon upang malaman ang mga hangganan.

Hinihintay na lamang ang pag-ani ng tubo upang maging mas madali ang pagkilala ng mga hangganan.

Umaasa silang maibibigay ang mga titulo pagsapit ng Setyembre ng taong 2013.

Samantala, ang mga hindi kwalipikadong manggagawang bukid ay magkakaroon ng may 18% ng pag-aari ng Tarlac Development Corporation sapagkat ang 72% ay pag-aari ng kumpanya. Hindi sila kwalipikadong tumanggap ng lupain mula sa Hacienda Luisita sapagkat nagsimula silang maglingkod noong pasado 1989 na.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>