|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Simbahan, wala ng malalaking mga lupain
Taliwas sa paniniwala ng marami, wala ng lupain ang Simbahang Katolika sa Pilipinas. Ito ang pahayag ni Agrarian Reform Secretary Virgilio R. De los Reyes sa kanyang pagharap sa foreign correspondents kaninang umaga.
Nawala na ang mga lupain ito mula ng sumapit ang ika-20 siglo. Ang lahat ng mga ito'y binili ng pamahalaan at ang nalalabi'y maliliit na bahagi ng mga lupain sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Wala na ring mga agricultural lands, dagdag pa ni Kalihim de los Reyes.
Noon ay mayroong malalawak na lupain sa Silang, Cavite sa Lian, Batangas, sa Dinalupihan, Bataan subalit wala ng natira pa at wala na ang mga pag-aari ng mga Dominikano, Recoletos at mga Augustino.
Inihalimbawa pa niya ang ginawa ni Bishop Antonio Tobias na noo'y obispo ng Pagadian. Nagsagawa ng sariling repormang agraryo ang obispo dahilan sa kanyang pagtataka kung bakit maraming nagdadala ng bigas at saging sa kanyang kumbento.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |