|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mambabatas, nanawagang magkaroon ng pambansang identification card
NANAWAGAN si Congressman Al Francis Bichara ng Albay na gumamit na ang pamahalaan ng national identification system para sa lahat ng mga Filipino sa loob at labas ng bansa.
Ito ang magbabalik-buhay sa mga debate noong araw kung magagamit nga ba ang sistema sa Pilipinas sa pangamba ng nakararami na magkaroon ng paglabag sa pagiging pribado ng mga mamamayan.
Batid ng mambabatas na magkakaroon ng mainit na pagtuligsa sa panukala mula sa mga human rights advocates sa pangambang malabag ang privacy ng mga karaniwang tao.
Hindi makakarating sa third parties ang detalyes ng identification cards, dagdag pa ni Congressman Bichara.
Sa ilalim ng House Bill No. 11, ang mga mamamayan ay bibigyan ng Filipino Identification Cards na maglalaman ng biometric data ng karaniwang gagamit nito. Magkakabisa ito ng 10 taon at maaaring isailalim sa renewal. Higit na madadala ang transaksyon sa pamahalaan at mga ahensya nito.
Ang anumang datos na makukuha sa identification card ay hindi magagamit na ebidensya laban sa may-ari nito sa alin mang criminal proceedings.
Idinagdag ng mambabatas na umaasa siyang magkakaroon ng tamper-proof security material upang maingatan ang pagkatao ng may-ari ng mga identification card.
Walang bayad ang unang ilalabas sa mga mamamayan subalit magbabayad na sila sa renewal na tatagal ng 10 taon.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |