Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Love on Credit

(GMT+08:00) 2013-08-06 15:57:07       CRI

Ang "Love on Credit" ay isang kuwento hinggil sa kambal o twins, sina Xiao Hong and Xiao Qing. Magka-iba ang personality at values nila. Ipinalalagay ni Xiao Qing na ang true love ay pinakamahalagang bagay sa buong mundo, pero, sa puso ni Xiao Hong, ang pera ang tanging bagay sa daigdig na maaaring magdala ng kasiyahan sa buhay. Sa proseso ng paghahanap ng "Mr Right", unti-unting nagbago ang palagay ng magkapatid at sa wakas, nakuha nila ang mithing kaligayahang.

Dinirehe ni Leste Chen ang "Love on Credit." Dahil bata, vivid ang style ng pelikulang ito. Bida sa pelikula si Chen Kun as Zhang Quan, Liao Fan, as Jiang Cheng at Lin Chi-Ling sa dual-role na Xiao Qing at Xiao Hong.

Mahirap para kay Lin Chi-Ling na gampanan ang dalawang roles sa isang pelikula. Bago pasukin ang pag-aartista, siya ay isang modelo. Kaya nagsikap siya para sa pelikulang ito. Pero, pagkatapos ipalabas ang pelikula, hinangaan si Lin Chi-Ling ng mga kritiko sa mahusay na performance niya.

                                          Si Xiao Hong                                                         Si Xiao Qing

                             Ang Mr. Right ni Xiao Hong                                      Ang Mr. Right ni Xiao Qing

Ilan sa mga paksang tinalakay sa pelikula ay: Pag-ibig o Pera, ano ang mas mahalaga? Ano ang dapat pamantayan ng pag-ibig? Pwede bang sukatin ng pera ang pagmamahal? Kung hindi, paano mo malalaman kung mahal ka talaga o hindi?

Sa pelikula, mayroong boyfriend ang kambal. Talagang nagmamahalan sina Xiao Qing at ang nobyong si Jiang Cheng, pero, walang pera si Jiang Cheng, at mahirap ang pamumuhay nila.

Si Xiao Hong naman, ay kabit ng mayaman ang boyfriend niya. Iniharap ng pelikulang ito ang isang tanong: Ano ang mas pipiliin: magandang samahan na puno ng pag-ibig pero mahirap na pamumuhay? O masaganang buhay pero bawal na pag-ibig? Pwede bang sukatin ng pera ang pagmamahal? Kung hindi, paano mo malalaman kung mahal ka talaga o hindi?

Pakinggan ang masayang talakayan ng mga moviebuddies ng Serbisyo Filipino sa pelikulang ito.

RATING: Machelle & Andrea 8.5

Back to "Movie Buddy"

 

May Kinalamang Babasahin
love together
v TOGETHER 2013-07-30 16:24:09
v HAPPY TOGETHER 2013-07-17 17:27:45
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>